a friend sent this poem. read on...
=========================================
Ang Pag-ibig Alinsunod sa Pakete ng Tide Ultra
sabi ko
ayaw kong maglaba sa gabi
hindi ko alam kung bakit
siguro’y ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot
pero hindi kagabi –
ang totoo
naglaba ako
sinamantala ko ang pangungulimlim
ng bituin sa nangingilid na ulap
at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon
sa likod ng pakete ng tide ultra
1. kunin sa timba ang damdaming matagal nang ibinabad
2. kusutin ng mabuti, pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi
3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw
na siyang pagkukulahan
lagyan na lamang ng Clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros
4. banlawan, maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimyento
at panghihinayang
5. ibuhos sa kanal ang tubig
upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta
6. isampay sa mahanging lugar
ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga
matagal na rin naming
naikubli ito sa baul
pagmumuni pagkatapos…
napigaan ko na ang damit, mariin
nakalimutang ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata
paalam muna
samantala’y magpapatuyo muna ako –
ng damit
ng mata
sana’y walang makakita
salamat sa pakete ng tide ultra.
(Gilbert M. Sape)
Thursday, July 27, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
naku norly, memories! nang una kong mabasa ang tide ultra ni gibo some gazillion years ago, dumdugo din ang puso ko!
hinanap ko nga kung saang tindahan mabibili ung ganyang tide ultra. un kaseng apple of my layp, ang bukod tanging dahilan kung bakit ang paglalakad araw-araw mula AS hanggang Engg ay pleasantly anticipated ko kahit na napakainit maglakad papunta dun, na binigyan ko ng tsokolate na ibinigay sa akin ng isang taga LUNA, e may ari pala ng goya chocolate factory.... at sinoli sa kin ung tsokolate... tama ba naman un??! tapus ung apple na un, na kahit nakadaan na si Milag sa tambayan nila ay pipilitin ko pa ring umikot kami masilayan ko lang, e busy na busy sa paglalaro ng chess at di man lang aangat ng tingin.. tama ba naman yon??! at higit sa lahat, matapos ng lahat ng pagpapapansin ko, dumating lang ung kapatid ni Maki na si Yayang, ayun kung meron pang mas invisible sa invisible ay ganun ako para sa kanya....tama ba naman un??!
so sabi ko, haaaay buhay :)makapaglaba na nga.
-japonica
Wow...I was introduced to this poem 10 years ago while I was still in PUP.. I can't remember the name of the guy who read this poem to our class.. Hinanap ko pa ung original kong kopya nang hnd ko makita nagbakasakali akong meron sa internet...Buti n lng may nag share nito..
Kath
Post a Comment