Sunday, January 17, 2010

Malikhaing Pagsulat

*a free-writing exercise in Filipino*

Nung nasa Unibersidad pa ako, kinailangan kong kumuha ng isang subject sa Filipino. Elective lang naman, pero required kasi, so kailangan sumunod.

Malikhaing Pagsulat... yan ang kinuha kong elective. Ok naman daw ang subject na ito. Basta ang kabilin-bilinan sa akin, huwag mo kunin si Jun Cruz Reyes na teacher.

Sino na nga ba si Jun Cruz Reyes? Parang napaka-familiar ng pangalan nya. Hmmm... ah oo! Sya ang sumulat ng isang essay na binasa namin nung high school. Actually nagustuhan ko ang essay nya -- easy reading at witty. Nakalimutan ko ang title, pero alam ko... sinabi nya na kung si Jesus Christ daw ay pumasok sa kolehiyo, malamang napagalitan at nasita sya dahil sa kanyang long hair. Witty, di ba?

Anyways, balik sa Malikhaing Pagsulat. Samakatuwid, pumila ako at nagpa-enroll sa subject na ito. Habang nakapila, nagdadasal na wag sana si Jun Cruz Reyes ang maging teacher.

Unang araw ng klase. Pumasok ang teacher sa room -- maliit, maitim, payat, medyo dugyot, kung titignang mabuti. Unang salita... "Class, ako si..."... at isinulat ang pangalan sa blackboard...

J...U...N...

POTA!!! Si Jun Cruz Reyes! Talaga naman pag sinwerte ka! Sa lahat ng UP Professors sa Filipino, bakit sya pa?!

So yun nga, ang kinatatakutang si Jun Cruz Reyes ang teacher ko. Wala na akong magagawa. Pinaghirapan kong pilahan ito (hindi pa computerized ang registration nung araw), at mahirap nang mag-ChangeMat (change matriculation).

I vowed to myself na gagalingan ko, para hindi ako mapahiya sa klase. Kilala itong si Jun na mahilig mang-okray ng mga estudyante.

Sa awa ng Diyos, hindi naman nya ako na-okray... ng masyado. May mga pahaging paminsan, pero kumpara sa mga salitang binitiwan nya tungkol sa mga classmates ko, ok na ako dun.

Sabi nya sa classmate kong half-chinese... "Chinese ka kasi... kaya ka hindi makasunod"

Sabi nya sa isang star player ng Volleyball Varsity Team... "Puro bola kasi inaatupag mo"

Sabi nya sa klase in general... "Gusto nyo magyosi? Lumabas kayo ng classroom. Teacher lang pwede magyosi." (habang humihitit sa kanyang yosi)

Ang tanong... bakit ako nagsusulat tungkol kay Jun Cruz Reyes? Dahil nagkaroon ako ng urge na sumulat sa tagalog. Mahirap at challenging ang Malikhaing Pagsulat... pero susubukan. Kaya, abangan!


3:05pm
17 January 2010
Ladprao Song 1

No comments: