Wednesday, March 09, 2011

telepono at lovelife

ang lovelife, parang phone call.

minsan, short and sweet -- hello and goodbye.

minsan naman, parang dropped call -- biglang naglalaho parang bula, leaving you in limbo.

minsan pangit ang signal -- madaming issues at miscommunication.

minsan, parang unlimited call -- pangmatagalan... swerte ka pag nagkataon. pero delikado din, lalo na pag boring ang conversation.

minsan naman, parang missed call -- samakatuwid... paasa lang. lintek!

minsan din, parang booty call -- alam mong pampalipas oras lang.

pero malas ka, kung hindi phonecall, at text lang -- matipid, malabo, non-commital. parang yung kahaba-haba ng sinabi mo... tapos ang sagot lang ay... "k". at wala man lang smiley face.



11:25am
09 March 2011
Fairyland

1 comment:

Anonymous said...

bakit hindi:)